May 21, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘We will not stay silent!’ Slater Young, aaksyon sa magpapakalat ng misinformation

‘We will not stay silent!’ Slater Young, aaksyon sa magpapakalat ng misinformation
Photo courtesy: Slater Young (FB), MB FILE PHOTO

Idiniin sa publiko ng Pinoy Big Brother: Unlimited Big Winner at engineer na si Slater Young na handa raw silang gumawa ng aksyon sa mga magpapakalat pa ng maling impormasyong kaugnay sa usapin ng proyekto nila at naging trahedya ng bagyong Tino noon sa Cebu. 

Matapos ito ng naging paliwanag niya sa inilabas niyang video statement sa kaniyang Facebook page noong Linggo, Abril 19, 2026, tungkol sa naganap na matinding pagbaha sa Cebu dahil sa pananalasa ng bagyong Tino noong Nobyembre 3 hanggang 4, 2025.

Matatandaan kasing tinadtad ng hate comments ang social media accounts ng celebrity engineer noon dahil sinisisi ng mga netizen ang kaniyang proyektong "Monterrazas de Cebu," ang proyektong matagal nang ibinida ni Slater sa kaniyang vlog, na isang high-end residential project sa bundok.

Ani Slater, may lumabas na raw na pag-aaral mula sa isinagawa ng mga siyentista sa Unibersidad ng Pilipinas at nilinaw niyang walang koneksyon ang mga ito sa kumpanya nilang Monterrazas.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Monterrazas did not cause the flooding!’ Slater Young, nagsalita na

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Babala ni Slater, nirerespeto raw nila ang karapatan ng bawat isa sa sariling opinyon ng mga ito ngunit hindi raw sila mananahimik pa sa mga magpapakalat ng maling impormasyon sa nasabing usapin. 

“We respect everyone’s right to their own opinion but we will not stay silent in the face of misinformation,” pagsisimula niya. 

Aniya pa, gagawin daw nila ang lahat ng kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang kanilang pamilya.

“We will take all necessary steps to protect our family from it,” aniya. 

Pagpapatuloy ni Slater, karapat-dapat daw na makatanggap ang Cebu at mga naging biktima ng trahedya noon ng tunay na solusyon at mangyayari lang daw ito kapag tinukoy ng mga tao ang tunay na dahilan ng nasabing pagbaha.

“Cebu deserves a real solution and real solutions can only come from correctly identifying the real cause,” buwelta niya. 

“That is work that is ongoing and Monterrazas is committed to being part of it. I am committed to becoming a part of it,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Kasalanan ng project?' Slater Young pinanggigilan, sinisi sa pagbaha sa Cebu