IBINAHAGI ni Liza Soberano ang kanyang naranasang anxiety nitong New Year’s eve matapos sumama ang pakiramdam at inisip na baka dahil iyon sa COVID-19.

liza

Ini-reveal ito ni Liza matapos sumali sa Instagram trend na “post a pic of…” kung saan nag-request ang kanyang mga fans ng her New Year’s eve photo.

Sa picture, makikita si Liza na nakasuot ng mask kasama ang kanyang pamilya.

“Literally the only photo I have. I have been sick for the past few days and sometime after this photo I was getting paranoid that it might be COVID. Thank God, I tested negative yesterday,” pagbabahagi ng aktres nitong Enero 2.

‘Nagkakataon lang!’ Andrea Brillantes, ‘di mahilig sa atleta

Bukod kay Liza, una nang nagbahagi ng kanilang COVID-19 scare stories ang ilang celebs tulad nina Aiko Melendez at Kris Aquino.

-STEPHANIE BERNARDINO