PAG-IBIG, pag-asa at pananalig ang taglay na mensahe ng ABS-CBN Christmas Station ID. Medyo late na lumabas due to some problems na kinakaharap ng Kapamilya Network. When finally streamed ang Ikaw ang Liwanag at Ligaya ay nagtala ito ng 2.5 million views sa Facebook at 1.3 million views sa YouTube as of writing. Ang paggamit ng dialects at foreign languages ay isa sa mga highlights ng awit na katha nina Robert Labayen at Love Rose De Leon. Si Labayen ang head ng ABS CBN Creative Communication Management na responsible sa taunang Christmas ID ng ABS-CBN. Ang 2020 Kapamilya artists ang nagsanib puwersa na bigyan buhay ang Ikaw Ang Liwanag At Ligaya. “We always honor God, pamilya at ang karakter ng Pilipino. Naniniwala akong a good Christmas song ay may tema ng pag-asa at universal appeal.” wika ni Labayen. Ang Ikaw Ang Liwanag At Ligaya ay pang 12th Christmas ID mula ng mag-produce ang ABS CBN in 2009. Inawit ito in various choral competitions at umani ng papuri at magandang reaksyon from YouTube.

-REMY UMEREZ
Teleserye

Jodi Sta. Maria, inaming 'di siya ang first choice sa 'Be Careful with my Heart'