May 25, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Martial law ba tayo? Kuda ni Marc Logan sa apelang proteksyunan It's Showtime hosts, usap-usapan

'Martial law ba tayo? Kuda ni Marc Logan sa apelang proteksyunan It's Showtime hosts, usap-usapan
Photo courtesy: Marc Logan (IG)/Teddy Corpuz (IG)

Umani ng usap-usapan sa social media ang naging reaksiyon ng dating ABS-CBN broadcaster at comedic voice over artist na si Marc Logan patungkol sa panawagang protektahan ang mga host ng noontime show na "It's Showtime" mula sa mga pambabatikos.

Matatandaang kamakailan lamang, kinukuyog ng mga netizen, lalo na ng mga DDS o Diehard Duterte Supporters ang hosts nito, lalo na si Unkabogable Star Vice Ganda, dahil sa satirikong paraan ng pagbibiro niya sa "under attack" statement at pagsasagawa ng Facebook live ni Senate President Alan Peter Cayetano sa kasagsagan ng kaguluhan sa Senado noong Mayo 13, 2026.

Bukod dito, lagi ring naisisingit ni Meme Vice sa mga hirit niyang joke ang mga nagaganap na isyu sa politika, at paminsan, ay nakapaglalabas pa ng kaniyang saloobin at damdamin tungkol dito.

Nagiging daluyan daw ang noontime show para ma-call out ang mga nangyayari sa bansa, sa pamamagitan ni Vice Ganda.

Apela naman ng blogger sa likod ng isang Kapamilya fan-based page na "Kapamilya TV," dapat daw protektahan ang It's Showtime hosts mula sa mga batikos.

Tsika at Intriga

Barbie Imperial, pumalag; Sarah Lahbati, lodi raw niya at pilit na ginagaya?

"Lord, please protect It's Showtime host, [at] all costs," mababasa sa post.

Hindi naman inasahan ng mga netizen na magbibigay ng reaksiyon dito si Marc, na matagal na nanilbihan sa ABS-CBN bago lumipat sa TV5.

Aniya, "They are public figures martial law ba tayo para di sila pwedeng batikusin?"

Hindi naman tinukoy ni Marc kung ang pinatutungkulan ba niya ay ang pagprotekta sa It's Showtime hosts, o ang pagbatikos sa mga mambabatas sa pamamagitan ng mga biro ng hosts sa noontime show.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang It's Showtime hosts tungkol dito.