Napatay ang isang dating kumandidato sa pagka-alkalde nang pagbabarilin ng isang hindi nakikilalang lalaki sa Barangay Apas, Cebu City, nitong Biyernes ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang kinilala ng Cebu City Police Office (CCPO) na si Ruben Feliciano dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa report, kapaparada lamang ng biktima ng kotse nito, kasama ang kanyang pamangkin, sa tapat ng inuupahang apartment sa Blue Garden Residences, Lower Fulton St., Bgy. Apas nang biglang dumating ang isang van at bumaba ang isang lalaki na agad na bumaril sa kanya.

Kaagad namang isinugod sa ospital ang pamangkin nito na si Kim Feliciano matapos masugatan sa pamamaril.

National

VP Sara, humingi ng pasensya sa mga ‘nai-stress’ sa kaniyang sitwasyon

Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang suspek, gamit ang nasabing sasakyan, kasama ang apat na iba pang lalaki.

Si Feliciano ay dati nang kumandidato sa pagka-mayor ng San Fernando sa nasabing lalawigan, noong nakaraang halalan.

Inaalam pa ng pulisya ang grupong nasa likod ng pamamaslang at ang motibo ng mga ito.

-Fer Taboy