PARANG kailan lamang, nasaksihan ang isang napakagandang wedding of the year sa pagitan nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera noong December 30, 2014, sa Immaculate Conception Cathedral in Cuabao, Quezon City.

Ngayong araw na ito, isi-celebrate na ng Royal Kapuso Couple, ang kanilang sixth year wedding anniversary. Kasama ang dalawang anak na sina Zia at Ziggy, ginawa nila ito sa isang beach resort dahil pare-pareho silang mahihilig sa beach, bata pa lamang noon si Zia at ngayon ay kasama na rin nilang lumalangoy na sa beach ang bunso nilang si Ziggy.

Tamang-tama naman na libre na ang mag-anak sa work, dahil tapos na noong December 25, ang airing ng Philippine Adaptation ng Descendants of the Sun. Ipinaabot nga ni Dingdong at ng buong cast ang kanilang pasasalamat sa lahat ng sumubaybay sa kanilang adaptation ng Korean Drama.

Kahit si Marian ay tapos na ring i-shoot ang mga spiels niya ng Tadhana na si Dingdong din ang nagdirek, kaya libre na sila sa holiday relaxation.

Teleserye

Carmina Villarroel, makikisali sa Widow's War?

To Dingdong and Marian more blissful years together!!!

-NORA V. CALDERON