July 26, 2026

Home BALITA Metro

Sen. Cayetano sa mga naabala ng INC rally: 'Pasensya, para magising tayo sa nangyayari!'

Sen. Cayetano sa mga naabala ng INC rally: 'Pasensya, para magising tayo sa nangyayari!'
Photo courtesy: Alan Peter Cayetano (FB)/MB File Photo

Humingi ng paumanhin si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa mga motorista at commuter na naapektuhan ng matinding trapiko dulot ng isinagawang rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa kahabaan ng EDSA nitong Martes, Hunyo 30.

Sa ambush interview ng media habang nasa pagtitipon, kinilala ni Cayetano ang abalang naranasan ng publiko dahil sa mabigat na daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Humingi naman siya ng dispensa at sinabing kailangan itong gawin para "magising" ang mga tao sa mga nangyayari sa bansa.

“Pasensya na po yung mga nata-traffic, but protests are meant to inconvenience para magising tayo sa nangyayari,” ani Cayetano.

Ayon sa senador, bagama’t nauunawaan niya ang pagkadismaya ng mga naapektuhan, bahagi umano ng layunin ng mga kilos-protesta ang makatawag-pansin sa mga isyung nais iparating ng mga kalahok sa pamahalaan at sa publiko.

Metro

Road closures at rerouting sa Maynila para sa SONA

Idinaos ng INC ang malaking pagtitipon malapit sa EDSA People Power Monument sa Quezon City kung saan nagtipon ang libo-libong miyembro para magpakita ng suporta sa karelihiyon nilang si Sen. Rodante Marcoleta, na nahaharap naman sa pagkaaresto dahil sa kasong plunder.

Dahil dito, nagkaroon ng mabigat na trapiko sa ilang pangunahing lansangan at nagdulot ng pagkaantala sa biyahe ng maraming manggagawa at motorista.

Patuloy namang binantayan ng mga awtoridad ang sitwasyon sa lugar upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga dumalo sa rally at ng mga motorista sa mga apektadong kalsada, lalo't nakakuha na sila ng permit para magdaos ng mapayapang rally hanggang Miyerkules, Hulyo 1, mula 8:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.

Maki-Balita: ‘Maximum tolerance’: DILG, nirerespeto 'surprise rally' ng INC!