NAG-FLASHBACK kay Vice Ganda ang nangyari sa kanyang ama na isang barangay captain, na binaril din hanggang sa namatay. Ito ay pagkatapos mapanood ang video ni Jonel Nuezca na binaril sa ulo ang mag-inang Sonya at Frank Gregorio.

vice ganda

Tweet ni Vice, “Natulala ako matapos ko mapanuod ang video. Bumalik ‘yung trauma ko. Bumalik lahat ng pilit ko ng ibinabaon na alaala. Ung putok ng baril. Ung itsura nung tatay ko na parang baboy na sinasakay sa jeep. Ung mukha ng demonyo. Ang bigat ng nararamdaman ko.”

Hindi pa nahuhuli ang bumaril at pumatay sa tatay ni Vice, kaya ang dasal ni Vice, wala ng sumunod pang biktima.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

“Sana’y ‘wag silang magaya sa Tatay ko na di nabigyan ng hustisya. Sana ‘wag silang magaya sa pamilya namin na namanhid na lang sa tagal ng paghihintay ng katarungan. Sana wala ng makaranas ng kasamaang ito.”

-Nitz Miralles