MARAMI ang nag-congratulate at natuwa para kay Rayver Cruz nang i-announce na nakabili na siya ng bahay at i-post ang ilang pictures ng bahay sa kanyang Instagram page.

“Tis the season to be jolly. This is for you mama I miss you so much” post ni Rayver. Kasama niyang bumisita sa wala pang gamit na bahay ang mga kapatid na sina Omar at Rodjun Cruz at ang isa niyang uncle.

Kabilang sa nag-comment si Gerald Anderson na ang sabi, “Grabe king di ka man lang nagsabi sa akin” at ang sagot sa kanya ni Rayver, “@andersongeraldjr hahahaha gusto ko surprise idol para maganda pamasko ko sayo pag bisita ko hahaha love you brother idol kita. tv pls mwah.”

Comment naman ni Rodjun para sa kapatid, “Awww! Love you bro! Sobrang proud kami sayo. Lalong lalo na si Mama at Papa sa Heaven! Congratulations King!” Ang sagot sa kanya ni Rayver, “nice one bro! Ikaw lang naman idol ko hehehe love you.”

Relasyon at Hiwalayan

Pampabuwenas? Atong 'tinuka' si Sunshine sa cockfight

Nag-congratulate din kay Rayver sina Maja Salvador, Gabbi Garcia, Ken Chan,

Rocco Nacino, Shaira Diaz, Marjorie Barretto, Kakai Bautista, Mark Herras, Enchong Dee, Jason Abalos, EA Guzman, Julie Anne San Jose, Jhong Hilario, at siyempre ang GF nitong si Janine Gutierrez na “Yayyy” lang ang nasabi.

Anyway, nagtapos na ang The Clash kung saan, main host si Rayver, pero may All-Out Sundays pa siya at tiyak na bibigyan ng ibang show ng GMA-7, kaya patuloy pa rin siyang mapapanood ng kanyang fans.

-Nitz Miralles