KABILANG si Kris Aquino sa nagpahayag ng suporta kina Anthony Taberna at asawang si Rossel Taberna sa mga pagsubok na pinagdadaanan ng mag-asawa sa kanilang pamilya at food business.

kris

Pinost ni Ka Tunying sa Instagram ang mabigat na pinagdadaanan ng kanilang pamilya mula nang ma-diagnose na may leukemia ang anak nilang si Zoey na haggang next year pa ang gamutan.

Sumunod ang pagsasara ng ABS-CBN at inakala ni Ka Tunying na tuluyan na siyang nawalan ng trabaho. Mabuti na lang at kinuha sila ni Gerry Baja ng DZRH, kaya nagpatuloy ang Dos por Dos.

Tsika at Intriga

Drag queen, kinuyog sa pagkutya raw sa pagkawala ng leg ni Jiggly Caliente

Ang panibagong pagsubok sa mga Taberna ay ang pagkadiskubre na ninakawan ang kanilang kumpanya ng Finance Head nito at milyun-milyon ang nawala sa kanila. Sa latest interview kay Ka Tunying, nabanggit nitong idedemanda nila ang taong pinagkatiwalaan pa naman nila at pati yata ang bangko kung saan may account ang Ka Tunying.

Ang good news, parang nagbago ng desisyon sina Ka Tunying at Rossel, hindi na nila isasara ang kanilang mga restaurant at bakery gaya nang una nilang plano. Mananatiling bukas ang kanilang negosyo para na rin sa mga masisipag at umaasa sa kanilang mga empleyado at kanilang pamilya.

Sabi nga ni Ka Tunying, “ Pagsasama-samahin namin ang lakas namin ay ang pagtangkilik ng publiko taglay ang inspirasyon ni Zoey sa amin. Higit sa lahat, sasandal ang aming tiwala sa Panginoong Diyos at manghahawak sa pangako na hindi Niya tayo pababayaan.”

Anyway, nag-comment si Kris sa post ni Ka Tunying at ang sabi, “Nag message na ko kay Sel... maaasahan nyo ang ninang nyo.”

Bukod kay Kris, marami rin ang nagparating ng encouragement, suporta at dasal kina Ka Tunying at Rossel sa mabilis na paggaling ni Zoey at ang mabawi ang mllyones na nawala sa kanila.

-Nitz Miralles