SA kabila ng mga intriga na sumubok sa apat na taong relasyon, sa wakas ay engaged na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

luis at jessy

Ito ang masayang balita na ibinahagi ng dalawa sa kani-kanilang Instagram account kasama ang kanilang mga larawan nitong Sabado, Disyembre 12.

Post ni Jessy: “YES. (heart emoji) #JessGotLucky.”

Fun fact ni Karen De Guzman: 'I was really named after Ms. Karen Davila!'

Habang mas simple naman ang caption ni Luis sa kanyang IG: TheHowHows #jessgotlucky

Sa mga ibinahaging photos makikita sina Luis at Jessy na nakasuoy ng blue motif habang nasa beach. Spotted din sa larawan ang engagement ring na suot nig akres.

Bago ito, sunod-sunod ang pagbibigay ng mga clues ng magkasintahan sa kanilang mga followers, kung saan ibinahagi ni Jess yang tila pasilip sa kanyang diamond engagement ring at ang petsang “12.12.20” na ikinaintriga ng netizens.

Nag-viral din kamakailan ang larawan ni Jessy ni Jessy na nagfi-fitting ng wedding dress bagamat agad namang nagpaliwanag ang aktres tungkol sa istorya sa likod ng photo.

Congratulations Luis and Jessy!