Naka-uniporme pa ang isang pulis nang pagbabarilin ng isang hindi nakikilalang lalaki habang ito ay nasa barber shop, malapit lamang sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, sa Taguig City, nitong Huwebes ng gabi.

Dead on the spot ang biktima na si Patrolman Marcos Guillermo Laggui, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit (RPHAU) sa National Capital Region Police Office (NCRPO), sanhi ng tatlong tama ng bala sa ulo at katawan.

Sa inisyal na ulat, ang pamamaril ay naganap sa loob ng isang barber shop sa Paraiso Street, Barangay Central Bicutan, kamakalawa ng gabi. Tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Isa umano si Laggui sa pinangalanan noon ni dating NCRPO chief at ngayo’y PNP chief General Debold Sinas, na nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga kaya sinibak sa Regional Headquarters Support Unit (RHSU) tatlong buwan na ang nakalipas. Iniimbestigahan pa ng pulisya ang kaso.

Eleksyon

Mag-inang Aguilar, mamumuno sa Las Pinas; Sen. Cynthia Villar, talo sa pagka-kongresista

-Bella Gamotea