Kabilang sa sampung film entries sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) ang Pakboys:Takusa, na mapapanood simula Disyembre 25.
Hindi pa man naipapalabas ang movie, naging isyu na ang umano’y controversial scene ng isa sa mga bida na si Dennis Padilla kasama ang transgender na si Francine Garcia na umiihi nang patayo.
Ayon sa comment ng ilang taga- LBTQ,nakka-offend daw sa gaya nila ang eksenang patayong umiihi ang isang gaya nilang transgender.
Depensa ni Janno na siyang nag-suggest ng title na Pakboys, huwag hanapin sa kanilang pelikula ang meron sa ibang MMFF movies.
“I think it’s clear na this is not a movie na para hanapan n’yo ng life lessons and political correctness. I think we have a lot of other movies sa filmfest na makakahanap kayo ng ganu’n. This is purely humor—comedy ito. This is a straight-out comedy movie. This is not a heart-warning movie. This is not… yung maraming lessons, so, talagang straight pagpapatawa lang,” bulalas ni Janno.
Gayunman, humingi din ng paumanhin si Janno sa mga tao na sa pakiramdam niya ay na-offend nila.
“Sorry po kung… we are very sorry. Alam naming may mga na-offend but this is not a politically correct movie,” ani Janno..
To the rescue ang ibang cast tulad ni Jerald Napoles.
“Kung ano ang nakita mo online, naka-kahon lang doon yung opinion. Hindi mo naman mae-explain sa kung ilang libo silang nagreklamo. So, thank you sa comment,” aniya.
yon naman kay Andrew E., halatang nag-enjoy si Francine habang ginagawa ang pelikula at wala rin daw itong reklamo kaya wala siyang nakikitang masama sa eksena.
Para kay Dennis hindi niya magagawang bastusin ang LGBTQ community dahil ang anak niyang babae ay kasal sa isa ring babae.
Sa kabila ng isyu, ibinahagi rin ni Janno Gibbs ang kasiyahan na muli niyang nakatrabaho sa Pakboys si Angelu de Leon.
“Isang very exciting dito yung mga partners namin, yung mga leading ladies namin. Ako, I’m very happy to work with Angelu de Leon na matagal ko ding nakasama noon sa Ober Da Bakod and a lot of other films.
“Yung chemistry namin, proven na yan, eh. Hindi mo kasi mapi-fake yung ilang taon ng pagkakaibigan. Hindi mo kayang i-fake yon sa sandaling panahon lang,” pahabol pa ng singer-comedian.
-Ador V. Saluta