SI Kapuso actress Lovi Poe ang kinilalang Best Actress sa 10th Manhattan International Film Festival para sa magaling niyang pagganap bilang isang violent wife sa 2019 film na Latay.
Hindi makapaniwala si Lovi sa parangal na kanyang natanggap. “I have never portrayed the role of a violent wife to a battered husband. To say it was challenging is an understatement. Gusto kong makaganap ng off beat roles and doing projects like this that raises awareness about domestic violence, particularly towards men, which isn’t documented as much. Thank you Cinema Bravo and the International Film Festival Manhattan.”
Hindi man nakapunta sa Manhattan si Lovi para personal na tanggapin ang award dahil sa kasalukuyan nating pinagdadaanan ngayong pandemic, ay labis-labis pa rin ang pasasalamat niya.
Kasalukuyang naka-lock-in taping si Lovi at ang buong cast ng Owe My Love for GMA Public Affairs, na for the first time, ang mga seryosong actors na sina Lovi at Benjamin Alves ay magpapatawa at magpapakilig ng mga televiewers. Love story man ang story, tatalakayin din nito ang financial literacy kaya tiyak na masisiyahan ang mga viewers sa cast na kinabibilangan nina AiAi delas Alas, Winwyn Marquez, Jackie Lou Blanco, Nova Villa, Leo Martinez, Ruby Rodriguez, Pekto Nacua, Buboy Villar, Kiray Celis, Ryan Eigenmann, Jelai Andress, Jon Gutierrez, Jason Francisco, Divine Tetay, Terry Gian at Mahal.
-NORA V. CALDERON