NANGIBABAW ang City of San Jose Del Monte (CSJDM) Chess Team A ang tinanghal na kampeon sa katatapos na Governor Daniel R. Fernando Online Team Rapid Chess Tournament Grandfinals nitong Linggo, sa lichess.org.

Nasilayan sa CSJDM Chess Team A na bumandera ay sina Warren Wacan, Joshua Heshed Crismo, Joemarie Resurreccion, Justnin Macapuno, John Edward Vito Cruz at Aleck Ben Louise Saniego na giniba ang CSJDM B (3-1)at Malolos A(2.5- 1.5) sa first two rounds sa single round robin finals at tabla (2-2) sa last match sa Sta. Maria A para makuha ang titulo. Ang CSJDM chess team ay coach si WIM Catherine Perena- Secopito at Team Manager ay si Mr. Ramir Ellar.

Bida din ang Team B na kinabibilangan nina Nikka Nazario, Micky Gilbuena, Joshua Juaneza, Kenneth Justine Palaña, Jhune Angelo Dultra at Shanaia Tamayo na nakabalik matapos ang round 1 loss sa CSJDM A (1-3) na sinundan na malakas na pagtatapos matapos padapain ang Sta. Maria( 2.5-1.5) at Malolos (2.5- 1.5) ayon sa pagkakasunod para sa runner up finish.

Inorganisa ng Bulacan Sports Division sa gabay nina OIC, Sports Division Tournament director Mr. Benjamin B. Santos Jr. at Deputy Tournament director Mr. Normel Benigno R. De Jesus na magkatuwang na sinuportahan nina Gov. Daniel R. Fernando, Vice Gov.Wilhelmino “Willy” Manucdoc Sy-Alvarado at Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office Department Head Atty. Kenneth Z. Ocampo-Lantin

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?