BIRTHDAY ng boyfriend ni Vice Ganda na si Ion Perez noong November 27 at isang madamdaming birthday message ang pinost ni Vice Ganda sa Instagram.

vice at ion

“Di ko alam kung anung caption ang ilalagay ko. Gusto kong mag-isip ng bonggang mga salita. Pero hindi eh. Nung dumating ka naging pinakamaganda kung ano ung pinakasimple. Kung ano ung totoo yun ang maganda. Kung ano yung totoo yun ang maganda. Kung ano yung sinsero yun ang maganda. Kaya ‘di ko na aartehan.

Happy birthday Benigno!!! Araw araw magdadasak ako kay Lord na alagaan at

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

ingatan ka nya. Na ipahintulot nyang maging matiwasay ka sa lahat ng oras. At sana bigyan nya pa tayo ng mahabang panahong magkasama. Kasi gusto kong makapiling ka pa. Gusto kong mapasaya pa kita. Gusto kong mahalin mo pa. Gusto kong mahalin ka pa. Dahil tuwing mahal kita doon ako masigla at masaya. At hanggat mahal kita yung mundo ko mananatiling maganda!

Happy Birthday Noy!!! Mahal na mahal na ni Tutoy!”

-NITZ MIRALLES