LONDON (AFP) — Sinabi ng pinuno ng British drug manufacturer na AstraZeneca nitong Huwebes na karagdagang pananaliksik ang kinakailangan sa bakunang Covid-19 nito matapos lumitaw ang mga katanungan tungkol sa proteksyon na inaalok nito, ngunit ang karagdagang pagsusuri ay malamang na hindi makakaapekto sa regulatory approval sa Europe.

AstraZeneca vaccine

Inihayag ng AstraZeneca at ng kasosyo nito na University of Oxford, noong Lunes na hihiling ito ng regulatory approval para sa bakuna matapos itong magpakita ng average na 70-porsyento na pagiging epektibo.

Ang rate na iyon ay tumalon sa 90 porsyento kapag ibinigay ang isang paunang kalahating dosis pagkatapos ng isang buong dosis, katulad ng sa karibal na mga bakunang binubuo ng Pfizer/BioNTech at Moderna.

Internasyonal

Pinakamainit na temperatura ng mundo, posibleng maitala ngayong 2024

Ngunit sinabi ng US scientists na ang mas mataas na rate ng pagiging epektibo ay dumating sa panahon ng mga pagsubok sa mga taong may edad 55 pababa, at natuklasan nang hindi sinasadya sa panahon ng clinical trials.

Sinabi ngbpinuno ng Oxford Vaccine Group na si Andrew Pollard, sa linggong ito na ang karagdagang katibayan ay magagamit sa susunod na buwan ngunit ang resulta ay “highly significant”.

Ang karagdagang pagsubok ay malamang na hindi maantala ang regulatory approval sa Britain at European Union, sinabi ng punong ehekutibo ng AstraZeneca na si Pascal Soriot.

“Now that we’ve found what looks like a better efficacy we have to validate this, so we need to do an additional study,” sinabi ni AstraZeneca boss Soriot sa Bloomberg.

Sinabi niya na inaasahan niya na ito ay isa pang “international study but this one could be faster because we know the efficacy is high, so we need a smaller number of patients”.

Malaki ang pag-asa para sa bakunang AstraZeneca/Oxford, na tinawag ni Pollard na “vaccine for the world” dahil magiging mas mura itong gawin, at mas madaling maiimbak at ipamahagi.