Pinagtibay ng House Committee on Transportation sa ilalim ni Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento ang House Resolution 1367, na humihiling sa Department of Transportation (DoTr) na ipagpaliban pa ang implementasyon ng cashless toll payments sa pamamagitan ng Radio Frequency Identification (RFID) System hanggang Enero 1, 2021.

Inihain ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo ang resolusyon matapos ihayag ni DOTr Secretary Arthur Tugade noong una na ang deadline sa cashless collections ay ipatutupad mula Nobyembre 2 hanggang Disyembre 1.

Aniya, maikling panahon ang deadline na Disyembre I. “I feel Dec. 1 is a short period of time. Just imagine po, magpapasko na saka natin ito implement fully, baka hindi po tayo handa mas lalong magkagulo at magkaproblema sa trapiko. Magkaroon ng congestion.”

Binanggit din niya ang hirap sa pag-avail ng RFID online at onsite. “Minsan di po nire-read ng sensors. So they are having a hard time, kailangan nila magresort to manual method, lalo pa pong tumatagal at humahaba ang pila at nagkakaroon ng traffic”.

Nasawi sa Air India nasa 270 na; pagkilala sa bangkay ng mga biktima, nagpapatuloy!

Bert de Guzman