IBA pala itong si Shaira Diaz. Sa isang interview niya sa GMA Artist Center online show na In The Limelight naikuwento niya ang kanyang pagiging ‘one of the boys.”
Ayon kay Shaira, “Simula pa noong bata ako, puro lalaki na ‘yung mga kasama ko. Unang-una, sa family ko, only girl ako then ‘yung cousins ko puro lalaki talaga sila lahat. Kaya, ayun, ‘yung mga nagiging barkada nila, nagiging barkada ko rin.
“Nahilig din ako sa rough games noong bata pa ako tapos katulad ngayon, gamer ako, naglalaro ako ng DOTA, naglalaro rin ako ng ML (Mobile Legends), halos puro panlalaking games. Pero ayun nga, ‘yun ang dahilan kung bakit one of the boys ako,” dagdag pa ni Shaira.
Kaya naman pala ganoong ka-excited si Shaira nang ibigay sa kanya ang isang lead role sa upcoming action-packed series ng GMA Public Affairs, ang Lolong, dahil mag-aaksiyon siya. Makakatambal niya rito si Ruru Madrid at isa pa rin sa leading lady ni Ruru, si Arra San Agustin.
Tinatapos lamang nila ang training ng mga action scenes at sila naman ang susunod na magla-lock-in taping para sa serye.
-NORA V. CALDERON