May 21, 2026

Home SHOWBIZ

Vice Ganda, sumagot sa hirit ni Joey De Leon: ‘Trabaho niya ‘yon!’

Vice Ganda, sumagot sa hirit ni Joey De Leon: ‘Trabaho niya ‘yon!’
Photo Courtesy: Vice Ganda, ABS-CBN (FB), Joey De Leon (IG)

Nagbigay ng reaksiyon si “It’s Showtime” host at Unkabogable Star Vice Ganda sa binitawang biro ni "Eat Bulaga" veteran TV host Joey De Leon hinggil sa ABS-CBN.

Ito ay matapos bumisita sa “Eat Bulaga” ang nag-trending na kandidato sa Mister Pampanga 2026 na si RJ Perkins.

Habang kinapapanayam si RJ, hindi napigilan ni Joey na sumundot ng hirit.

“Hindi na uso ‘yong abs. Wala na nga ‘yong abs,” banat ni Joey na ang tinutukoy ay ang karaniwang porma ng stomach muscles sa bandang abdomen ng mga karaniwang gym-fit.

“Iba naman ’yon, e!” natatawang sabi naman sa kaniya ng co-host na si Vic Sotto.

Tsika at Intriga

Sam Verzosa, Faith da Silva iniintriga dahil sa concert ni Jessica Sanchez

“ABS-CBN pala ‘yon. Sorry, sorry,” dugtong pa ng host.

Kaya naman sa panayam kasama ang Society of Philippine Entertainment Editors noong Lunes, Abril 27, hindi naiwasang uriratin kay Vice ang tungkol dito.

“E, siyempre, hindi natin masasaklawan ang komedyante. Hindi rin natin masasaklawan ang reaksiyon ng mga taong makakarinig ng joke," saad ni Vice Ganda.

Dagdag pa niya, “So, that’s life, 'di ba? E, komedyante si Sir Joey, nag-joke siya. E, trabaho niya 'yon. Nagjo-joke siya.”

Maki-Balita: 'Hindi na uso abs!' Joey De Leon, binanatan ng Kapamilya fans dahil sa 'ABS-CBN' joke