KABUUANG 2,000 atleta ang makikiisa at magpapamalas ng kahusayan sa pagsipa ng Philippine Taekwondo Association (PTA) and MILO Philippines PTA-MILO National Online Taekwondo Championships sa Nobyembre 21-22.
Sa kabila ng kaganapan dulot ng lockdown, magkakasubukan ang mga batang jins sa digital arena.
“Through this competition, we are able to give our young taekwondo players the exposure to competewith their contemporaries, which is an important aspect to build their experience as athletes,” pahayag ni coach Rocky Samson, Secretary General ng PTA.
Magkakasubukan sa PTA-MILO National Online Taekwondo Championships ang 1,100 jins sa Speed Kicking division, habang 800 ang kalahok sa Poomsae division.
Mapapanood ang torneo ng live sa PTA Facebook page, YouTube channel, at website. Ang mga video na isusumite ng mga kalahok sa Poomsae at Speed Kicking divisions ang kanilang opisyal entries sa kompetisyon. Ang mga magwawagi sa kani-kanilang division ay makatatanggap ng MILO electronic medal, certificate at electronic voucher.
“The PTA has been our indispensable partner in inspiring the youth to engage in sports and nurturing them to become future champions,” sambit ni Lester P. Castillo, Assistant Vice President, Nestlé Philippines – MILO. “We look forward seeing our athletes exhibit their sporting excellence and may this motivate them to continue their champion journey and aspire for greatness.”
Matagal nang magkatambal ang PTA at MILO para sa development program ng taekwondo sa bansa. Kamakailan, inilatag ng MILO at PTA ang programa sa YouTube, sa pamamagitan ng MILO Sports Clinics Online.
“Offering a program that takes a holistic approach to sports development will not only help parents raise their kids to be active and healthy, but also be well-rounded individuals,” pahayag ni Castillo. “MILO will remain steadfast in driving this commitment, along with our trusted partners such as the PTA.”
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang PTA’s Facebook page (www.facebook.com/philippinetkd), YouTube channel (Philippine Taekwondo Association) or their website (www. philippinetaekwondo.net). Follow MILO on Facebook (www.facebook.com/milo. ph) at Instagram (@MiloPhilippines).