BAGHDAD (AFP) — Muling binuksan ng Iraq at Saudi Arabia nitong Miyerkules ang Arar border crossing, sinabi ng border commission ng Baghdad, sa isang pinakahihintay na palatandaan ng malapit na ugnayan ng kalakalan matapos ang 30 taong pagsara.

125878921_966618977163857_2422418728138954958_n

Naglakbay ang mga nangungunang opisyal kabilang ang interior minister ng Iraq at ang pinuno ng border commission nito mula sa Baghdad upang pormal na buksan ang Arar, kung saan naghihintay ang isang linya ng mga cargo truck mula umaga.

Ang Arar ay magiging bukas sa parehong kalakal at mga tao sa kauna-unahang pagkakataon mula nang putulin ng Riyadh ang diplomatikong relasyon sa Baghdad noong 1990 kasunod ng pagsalakay ng dating diktador ng Iraqi na si Saddam Hussein sa Kuwait.
Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa