July 26, 2026

Home BALITA National

'Di recommendation, referral lang:' DOJ, magtatakda pa ng desisyon vs Coach Tab, 11 iba pa!

'Di recommendation, referral lang:' DOJ, magtatakda pa ng desisyon vs Coach Tab, 11 iba pa!
Photo courtesy: DOJ (FB), File Photo

Nilinaw ni Department of Justice (DOJ) Sec. Fredderick Vida na isa referral lang at hindi raw rekomendasyon para sampahan ng kaso sina dating Ateneo Blue Eagles Head Coach Tab Baldwin at 11 iba pa, ang isinumite sa kanila ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes, Hulyo 13, 2026. 

Matatandaang pormal nang nagrekomenda ang NBI ng mga kasong reckless imprudence at simple negligence resulting in two counts of homicide laban kina Baldwin at 11 na iba pa, ugnay sa naging pagkasawi nina Rene Clert Baterbonia at Divine Adili.

KAUGNAY NA BALITA: Coach Tab Baldwin, 11 iba pa lagot sa kasong reckless imprudence, simple negligence!

Sa naging pahayag naman ni Vida sa panayam sa kaniya ng media nito ring Lunes, Hulyo 13, sinabi niyang “ni-refer” o sinangguni lang daw ng NBI sa DOJ ang kanilang report sa ikinasa nilang preliminary investigation kaugnay sa naging pagkasawi nina Baterbonia at Adili noong Hunyo 8, 2026, sa kanilang team building sa Dipaculao, Aurora, at hindi raw iyon recommendation para sampahan ng kaso ang mga nabanggit. 

“Actually it’s not a recommendation. They refer to us ‘yong report nila,” pagsisimula niya. 

National

Sen. Ping 'happy' sa big win nina Sen. Kiko, Sen. Bam noong 2025 elections!

Ani Vida, kino-consolidate o pinagsasama-sama na raw nila ang mga isinumiteng referral sa kanila ng NBI at pati na rin ng Philippine National Police - Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na may kaugnayan sa naturang insidente. 

“We received the referral from the NBI and together with an earlier complaint filed by the PNP-CIDG. Now, we are consolidating everything,” saad niya. 

Pagtitiyak naman ni Vida, magtatakda pa lang daw sila ng desisyon para simulan at pagulungin ang naturang kaso laban kina Baldwin at iba pa. 

“Soon, we will be coming up with the decision on how to proceed on this case,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Is it just a team building?' Netizens, umalma sa pagkalunod nina Baterbonia at Adili!

KAUGNAY NA BALITA: 'Players are not safe around him!' Estranged wife ni Coach Tab, matagal nang nagbabala sa Ateneo!