July 23, 2026

Home BALITA Probinsya

Lalaking 'di masaway sa maingay na tambutso, hinataw ng kawayan sa ulo!

Lalaking 'di masaway sa maingay na tambutso, hinataw ng kawayan sa ulo!
Photo courtesy: Unsplash

Sa ospital ang diretso ng isang 25 taong gulang na lalaki matapos siyang hatawin ng kawayan sa ulo ng isang kagawad sa kanilang lugar sa Ilocos Sur. 

Ayon sa pulisya, sinaway ng 55 taong gulang na kagawad ang biktima dahil sa maingay na tambutso ng kaniyang motorsiklo subalit sa halip na tumigil ay lalo lamang umanong pinatunog ng biktima ang kaniyang motorsiklo.

Dahil sa ingay, hindi na raw nakapagtimpi pa ang kagawad at kumuha na ng kawayan at saka inihataw sa ulo ng biktima.

Bunsod nito, agad na isinugod sa ospital ang biktima sa ospital kung saan siya kasalukuyang nagpapagaling matapos magtamo ng malubhang sugat sa ulo. 

Samantala, mabilis namang naaresto ng mga awtoridad ang kagawad.

Probinsya

Lalaking umiihi sa gilid, naipit sa pagitan ng 2 container van!

Ayon sa Republic Act 4136 ng Land Transportation and Traffic Code, mahigpit nitong ipinagbabawal sa mga motorista ang paggamit ng mga modified or altered mufflers.

Sa ilalim ng naturang batas, binibigyang-diin nito ang pagbabawal sa maiingay na tambutso katulad ng:

1. open pipes/ straight pipes

2. cut-outs o bypass systems

3. fftermarket exhausts na naglalabas ng maiingay na tunog

Kapag nahuli ang isang driver ay napatunayang nagmamaneho ng maingay na motorsiklo, maaari siyang pagmultahin. Nakadepende sa bawat local government unit (LGUs) ang halaga ng multa, na karaniwang naglalaro mula ₱5,000 hanggang ₱15,000 at maaari ding makumpiska ang mga tambutso.