July 25, 2026

Home BALITA National

'Sa sobrang taas ng pinag-aralan n'yo, lumubog na tayo sa kahirapan!'—Sen. Robin

'Sa sobrang taas ng pinag-aralan n'yo, lumubog na tayo sa kahirapan!'—Sen. Robin
Photo courtesy: MB File Photo

Usap-usapan ang naging tirada ni Sen. Robin Padilla sa mga patuloy na kumukuwestyon sa kaniyang credentials. 

Matatandaang naging usap-usapan ang senador matapos ang paghingi niya sa credentials sa iprinisintang witness ng prosecution na si National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Investigation Unit Senior Agent John Mark Calilung, matapos ang pagsalang sa day 2 at day 3, sa paglilitis para sa "grave threats" na ikaapat sa articles of impeachment, sa trial kay Vice President Sara Duterte. 

Marami kasi ang nagtaas ng kilay kay Padilla dahil sa ginawa niya, kaya naman, hindi na niya napigilang banatan ang mga tinawag niyang "hambog."

Bukod dito, nag-post din ang senador na "rigged" at "kabisado" na ng mga politikong gangster ang sistema ng pamahalaan.

"38 years palubog ang Pilipinas,obvious ba! Ang tanging paraan para makaligtas ang susunod na henerasyon ng mga lider ay gumawa ng sistemang bago ang mga Luma sa paraan na walang makikinabang sa kanilang lahat maging ang kanilang mga pamilya gamit ang mga sistema ng pamahalaan mula sa ating mga kapitbansa na praktikal at subok na nagdala ng kanilang pag unlad," aniya.

National

Sen. Ping 'happy' sa big win nina Sen. Kiko, Sen. Bam noong 2025 elections!

Sumunod, binanatan ni Padilla ang mga netizen na patuloy na "kumukutya" sa kaniyang credentials at achievement sa buhay, lalo na sa larangan ng edukasyon.

"Puro credential at taas ng pinag aralan ang argumento ng mga hambog, Saan ba dinala ng kahambogan niyo ang Pilipinas,

Sa sobrang taas ng pinag aralan niyo lumubog na tayo sa kahirapan, baha, utang at maruming politika kaya ang nagsiyaman ay kayo at ang mga Amo ninyong oligarko!" aniya.

"Mga matatalinong matsing! May araw din kayo kay tarzan!" aniya pa.