July 21, 2026

Home BALITA Internasyonal

Philippine Embassy, nakikiramay sa pagpanaw ni Qatar Sheikh Hamad bin Khalifa Al Thani

Philippine Embassy, nakikiramay sa pagpanaw ni Qatar Sheikh Hamad bin Khalifa Al Thani
Photo courtesy: Hassan Ammar (AP Photo) via MB

Nagpaabot ng pakikiramay ang Embahada ng Pilipinas sa bansang Qatar at kanilang mga mamamayan sa pagpanaw ni Sheikh Hamad bin Khalifa Al Thani, na namuno sa Qatar noong 1995 hanggang 2013. 

“The Embassy of the Republic of the Philippines in the State of Qatar conveys its condolences to His Highness Sheikh Tamim bin Hamad Al Thani and the people of the State of Qatar on the passing of the Father Amir, His Highness Sheikh Hamad bin Khalifa Al Thani,” saad ng Embahada sa kanilang pahayag noong Linggo, Hulyo 12. 

Kinilala rin ng Embahada sa kanilang pahayag ang sa paglago at global expansion ng Qatar sa ilalim ng matagumpay na pamumuno ni Sheikh Hamad na kinikilala rin bilang “Father Amir.” 

“Highly regarded by his peers and constituents, The Father Amir will perhaps be best remembered for his outsized role in bringing Qatar to global prominence,” pagkilala ng Embahada. 

Gayundin ang mainit na pagtanggap at pagbubukas ng mga oportunidad ng trabaho ng Qatar sa mga Pinoy. 

Internasyonal

90-anyos Pinay Nikkei, nakuha ulit kaniyang Japanese citizenship ilang dekada matapos ang WWII

“Under his leadership, Qatar also became second home to many of our nationals who found in this country a sense of comfort and belonging,” dagdag pagkilala pa ng Embahada. 

Inalala pa sa pahayag ang makasaysayang pagbisita ni Sheikh Hamad sa bansa noong 2012, na nagpalalim sa relasyon ng Pilipinas at Qatar. 

“His historic visit to Manila in 2012–”the first by a Qatar leader–lent greater depth and meaning to the ties that bind our two nations,” pag-alaala ng Embahada. 

Sa pagtatapos ng pahayag, hinihiling ng Embahada ng Pilipinas ang kapayapayaan ng bansang Qatar sa kasagsagan ng pagluluksang kanilang pinagdadaanan.

“Our thoughts are with the people of the State of Qatar during this difficult period, and we wish them solace and strength to withstand the severity of their loss,” hiling ng Embahada. 

Sa kaugnay na ulat, si Sheikh Hamad ay naiulat ng state-run Qatar News Agency noong umaga ng Linggo, Hulyo 12, sa edad ng 74.