Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon nitong Martes na dapat maglaan ang gobyerno ng mas maraming pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi City upang ito ay muling makabangon.
Sinabi ni Drilon na nagdududa siya na matatapos ng gobyerno ang rehabilitasyon ng Marawi City sa Timog Mindanao sa susunod na taon dahil sa mga hadlang sa badyet.
“We seriously doubt the sufficiency of the funds to fund the rehabilitation of Marawi. From our own research, the damage is about P70-billion,” banggit ni Drilon.
“We have only allocated P3.5 billion this year and P5 billion next year.”
Nauna nang sinabi ni Task Force Bangon Marawi head at housing czar Eduardo Del Rosario na nilalayon ng gobyerno na tapusin ang rehabilitasyon ng Marawi sa Disyembre 2021.
Hannah L. Torregoza