KUNG professionalism ang pag-uusapan ay nagbago na raw si Janno Gibbs. Tanungin niyo ang Viva. Katatapos lamang gawin ni Janno ang A Hard Day with Dingdong Dantes na ‘di maipalabas dahil sa pandemya.
Napapanood ngayon si Janno as host ng Happy Time kasama ang good friend Anjo Yllana at Kitkat para sa NET 25. Isang bagay ang nilinaw ni Janno na happy at kinuha sa noontime show kahit hindi Iglesia Ni Cristo.
“We are not in competition with Eat Bulaga or Showtime. We are new at nagpapanimula. It is an alternative at wholesome show. We get feedbacks only sa Facebook at Youtube. Dahil wala kaming digibox at connections from cable channels.
-Remy Umerez