Hindi kagandahang balita sa mga motorista.
Napipintong magpatupad ng big-time oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.
Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng P1.50 hanggang P1.60 ang presyo sa kada litro ng diesel; P1.30-P1.40 sa kerosene at P1.10-P1.20 naman sa presyo ng gasolina.
Ang nakaambang na malaking dagdag-presyo sa produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan at ang umano’y positibong balita kaugnay sa bakuna kontra coronavirus diseas (COVID-19).
Sa tuwing araw ng Martes kada linggo malimit na magpatupad ng price adjustment ang mga kumpanya ng langis sa bansa.
Nitong Nobyembre 10,nagtaas ng 40 sentimos sa presyo ng kerosene at 20 sentimos sa diesel habang nag-rollback naman sa 20 sentimos ang presyo ng gasoline.
-BELLA GAMOTEA