Arestado ang isang sugatang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) nang makasagupa ng mga tauhan ng Army Special Forces ang grupo nito sa Patikul, Sulu kamakailan.

Kinilala ng militar ang terorista na si Amah Ullah.

Sa report, si Ullah na kasama ng pito pang terorista ay nakipagbakbakan sa 17th Special Forces Company hanggang sa umatras ang grupo nito at kahit nasugatan ay iniwan na lamang ito sa lugar.

Mahigpit pa rin ang bantay kay Ullah habang ito ay ginagamot sa Camp General Teodolfo Bautista Station Hospital.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

-Fer Taboy