Kontrabida man at talagang kinaiinisan si Kapuso actress Aiko Melendez ng viewers ng GMAAfternoon Prime series na Prima Donnas, may gusto naman siyang ibigay na aral sa kanila ang role niya bilang si Kendra Fajardo.
“One thing na kailangan nilang abangan ay kung gaano kamahal ni Kendra si Jaime (Wendell Ramos),” saad ni Aiko. “kasi si Direk Gina (Alajar),ipinakita niya rito ang obsession ni Kendra kay Jaime. Kaya dapat matutunan ng mga viewers na ang pangarap ng isang tao, dapat may hangganan. Hindi lahat ng pangarap mo dapat mong tuparin, kung nakasasakit ka na sa ibang tao.
“Ang tamang pagmamahal dapat may hangganan din, kasi nakababaliw talaga ang sobrang pagmamahal, lalo na kung alam mong hindi ka naman mahal talaga ng taong ito,” paliwanag ni Aiko.
Ang fresh episodes na ng Prima Donnas ay napapanood araw-araw pagkatapos sa GMA-7.
-NORA CALDERON