DAHIL sa pandemic marami sa entertainment industry ang pumasok na sa vlogging at pagbubukas ng YouTube Channel.

vice

Kaya malaki ang naitulong sa mga showbiz personality ng kasunduan nila sa Oomph! TV sa pagpapakita sa publiko ng kanilang mga pinagkakaabalahan sa likod ng kamera.

Kinikilala ngayon bilang pinakamalaking multi-channel network sa bansa si Vanessa del Rosario anak ng Viva Communications COO and President Vincent del Rosaro, ang Operations Head ng Oomph! TV.

Tsika at Intriga

Anyare? Ngipin ni Andrea, natapyas

Ang Oomph! TV ang itinuturing na top online entertainment provider sa lahat ng social media platforms. Mapapansin ito sa YouTube dahil sa patuloy na pagdami ng views at followers ng kanilang mga content creator.

Naniniwala si Vanessa na maibibigay ng Oomph! TV ang mga pinalawak na reach sa content creators kung pag-uusapan ang koneksiyon sa lahat ng regional at international audience, hanggang sa lahat ng klase ng media gaya ng mga pelikula at teleserye.

Halimbawa na lang, si Vice Ganda, ang host ng It’s Showtime, na nadagdagan ng isang milyon ang bilang ng subscribers dahil sa pagsali niya noong July 2020 bilang content creator ng Oomph! TV.

Sa kasalukuyan, may 3.26 million subscribers si Vice at umabot sa 421.7 million ang kanyang YouTube impressions.

Sa katunayan,nag-trending at number one din ang kanyang mga vlog na “Ang Istorya Ko Na Di N’yo Alam” at ang “My New Valurs (Part 2).”

Hindi lamang si Vice ang showbiz personality na nadagdagan ang subscribers sa YouTube dahil sa Oomph! TV.

Maging ang The Voice Kids Philippines winner na si Lyca Gairanod, dumami rin ang followers simula nang maging content creator ang singer ng Oomph! TV. Umabot na sa 1.11 million ang subscribers ni Lyca sa kanyang YouTube channel at pumalo sa 3.9 million likes ang TikTok account niyang may 568,300 followers.

Bukod kina Vice, Lyca, ang mag-inang Barretto na sina Marjorie at Julia, content creators din ng Oomph! TV sina Sarah Geronimo, Donnalyn Bartolome, Yassi Pressman, Marco Gumabao, Xian Lim, Andi Eigenmann, at Ryza Cenon.

-ADOR V. SALUTA