MULING matsa-challenge ang husay sa pag-arte ng magka-love team na sina Rita Daniela at Ken Chan. Unang pinagsamahan ng dalawa ang matagumpay na Afternoon Prime drama series na My Special Tatay, na gumanap si Ken bilang isang special child pero naging responsible siyang asawa at ama sa kanyang mag-ina. Sinundan ang kanilang serye ng isang romantic-comedy series na One of the Baes. Ngayon ay muli silang magsasama sa seryeng Ang Dalawang Ikaw.

Challenging muli ang role ng Kapuso actor dahil gagampanan naman niya ang role ng may isang dissociative identiy disorder – isang mental illness na nagkakaroon siya ng multiple personalities.

“After ‘My Special Tatay,’ ang pag-uusapan pa rin dito ay ang mental illness. Mental health ang focus ng story. Isa na namang very challenging na project ang ibinigay sa amin,” sabi ni Ken.

Naiiba rin ang role naman ni Rita dahil gaganap siya as Mia, asawa ng character ni Ken, at magkakaroon siya ng kaagaw sa puso nito.

Relasyon at Hiwalayan

Aubrey Miles, Troy Montero ratrat magtalik 'pag nagta-travel

“I’ve been wanting to portray a very mature and serious role,” saad ni Rita. “Mas nai-excite ako for Ken kasi napakahusay ng ginawa niya as Boyet sa ‘My Special Tatay’.”

Kasama rin sa cast sina Dominic Roco, Jake Vargas, Joana Marie Tan, Anna Vicente at Jeremy Sabido.

-Nora V. Calderon