Magpupulong ang PNP Board of Generals para pumili ng magiging kapalit ni outgoing NCRPO Director PMGen. Debold Sinas na pormal nang manunungkulan kahapon bilang ika-25 hepe ng Philippine National Police.

Sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año, isusumite ng board of Generals ang kanilang rekomendasyon sa bagong PNP Chief upang ito ang magtalaga ng bagong NCRPO Director.

Tumanggi si Año na magbigay ng mga pangalan ng mga posibleng kandidato at sinabing magde-deliberate pa ang Board of Generals.

Pero maugong na posibleng pumalit kay

National

‘Don’t leave the country!’ FPRRD, pinauuwi na raw si VP Sara sa ‘Pinas

Sinas sa NCRPO ang pangalan ni PRO4A Regional Director Brig. Gen. Vicente Danao na miyembro ng PMA Class of 1991.

Sinabi ni outgoing PNP chief General Camilo Cascolan noong nakaraang buwan na si Danao ay kwalipikado at perpektong direktor ng NCRPO.

Ito ay tila kinumpirma rin ni Año na nagsabi na habang nagpapatuloy ang pagsasaalang-alang sa kapalit ni Sinas, ang top contender ay si Danao. “He was recommended to replace General Sinas. Matutuloy na yan,” sinabi ni Año.

Si Danao ay isa sa mga pinagkakatiwalaang opisyal ng pulisya ni Pangulong Duterte. Siya ay director ng Davao City police.

-Fer Taboy