KINUMPIRMA ni Hollywood star Johnny Depp nitong Biyernes na aapela siya laban sa naging hatol ng UK court na kumilala sa bintang na siya ay naging bayolente sa kanyang ex-wife na si Amber Heard.
“The surreal judgement of the court in the UK will not change my fight to tell the truth and I confirm that I plan to appeal,” pahayag ni Johnny sa Instagram mula sa London.
Nitong Lunes, natalo ang 57-year-old Pirates of the Caribbean actor sa libel lawsuit laban sa publishers ng British tabloid newspaper na The Sun, na tinawag siyang “wife beater”.
Ibinasura ni Judge Andrew Nicol ang pahayag ni Johnny matapos ang tatlong linggo ng pagkalantad ng masalimuot na relasyon niyang, sa pagsasabing “the article had been proven to be substantially true”.
Labin-dalawa sa 14 ‘incidents’ na inilabas ng publishers News Group Newspapers ay nanatili sa “true met the civil burden of proof, the balance of probability,” aniya.
Sa isang typewritten and signed statement sinabi ng aktor na: “My resolve remains strong and I intend to prove that the allegations against me are false.
“My life and career will not be defined by this moment in time.”
Nalantad sa high-profile case ng High Court in London ang laban ng aktor sa alak at droga gayundin ang detalye ng kanyang two-year marriage kay Heard, 34, isang actress at modelo.
Inanunsiyo rin ng aktor na tinanggap niya ang hiling na pag-resign sa kanyang karakter na Gellert Grindelwald sa Harry Potter franchise spin-off na Fantastic Beasts mula sa request ngWarner Bros.
“I have respected and agreed to that request,” aniya. Kinumpirma rin ng US film studio ang pag-alis ni Johnny mula sa pelikula.
“Johnny Depp will depart the Fantastic Beasts franchise. We thank Johnny for his work on the films to date,” pahayag ng Warner Bros.
“Fantastic Beasts 3 is currently in production, and the role of Gellert Grindelwald will be recast. The film will debut in theatres worldwide in the summer of 2022,”dagdag pa nito.
Samantala, may nakahain ding kaso ang aktor laban kay Heard sa United States para sa isang article na isinulat nito sa Washington Post, kung saan iginiit ng aktres ang pagiging marahas ng dating asawa niya.
Agence France-Presse