PATULOY ang pagpapakilala ng unang Pinoy anime serried na Barangay 143 sa bansa sa global stage matapos itong mag-debut sa streaming giant Netflix last month at pumasok sa top ten most watched titles sa Netflix Asia.

barangay 143

“We are very proud that again we have reached another first with ‘Barangay 143,’ and that is the first Filipino anime series to stream on Netflix. This has been enjoyed by millions of Filipinos nationwide during its free TV run and we believe other countries would enjoy it just as much as Filipinos did. We hope it continues to entertain young viewers and inspire young Filipino animators,” pahayag ni August Media Holdings CEO Jyotirmoy Saha.

“From the very start, we want to make Filipinos proud and to be able to share our story to the rest of the world so we are just overwhelmed with all the positive feedback we are getting. ‘Barangay 143’ represents all of us,” pahayag nanan ni Synergy88 Entertainment Media COO Jackeline Chua.

Tsika at Intriga

Pagtanggi umano ni Deanna Wong na makipag-picture sa fan, usap-usapan!

Mula nang ipalabas sa Netflix, tumanggap na ang palabas ng mga positibong feedback mula sa mga Pilipino na nagpahayag ng pagmamalaki para sa Filipino anime. Habang may ilan pang nagbahagi kung gaano sila kasaya na sa wakas ay mapanood na ito online. Bukod dito, lumago rin ang panawagan para sa second season ng palabas sa lumalakas na demand ng mga avid fans sa producers na tapusin na ang higit isang taon hiatus nito.

Bago ito, una nang nakilala ang Barangay 143 matapos itong kilalanin na best in Asia at magwagi sa Best 2D Animated Program at Best Theme Song (Alanganin) categories sa ginanap kamakailan na Asian Television Awards. Kinilala rin ito bilang regional winner sa Best Animated Program, Best Drama Series, at Best Theme Song (Liga ng Buhay) categories sa 2019 Asian Academy Creative Awards.

Produced ng Philippine-based Synergy88 Entertainment Media, Singapore’s August Media Holdings, Japan’s TV Asahi at ASI Animation, patungkol ang Barangay 143 sa kuwento ni Bren Park, isang young and rising basketball superstar mula Korea na hinahanap ang kanyang biological father sa Manila. Sa Pilipinas, natagpuan niya ang bagong pamilya sa isang “team of misfits and turns their basketball team from underdogs to being the team to beat in the tournament.”

Bukod sa Filipino storyline, bumida bilang boses ng mga karakter ang ilang Filipino celebrities-turned-voice actors kabilang sina Migo Adecer, Julie Anne San Jose, Ruru Madrid, at Kelley Day kasama ang mga beteranong aktor na sina John Arcilla, Cherie Gil, Edu Manzano, at Lorna Tolentino kasama ang iba pa. Tampok din sa palabas ang original soundtrack mula sa mga top OPM artists kabilang sina Gloc 9, Nina, Top Suzara, Kris Lawrence, Harlem Ty, Kevin Yadao, Krizza Neri, at Willie Revillame.

Mapapanood pa rin ang Barangay 143 sa Netflix at malapit na ring mapanood sa bagong streaming platform POPTV ngayong Nobyembre 18.

-ROBERT REQUINTINA