Inihayagni Piolo Pascual ang malaking papel na ginampanan ni dating ABS-CBN president Charo Santos sa kanyang buhay at showbiz career.
Sa online program na Dear Charo nitong nakaraang Linggo, tinanong si Piolo kung nakaranas ba siya ng pagkakataong umatras sa trabaho? Bahagya siyang natigilan. Subali’t sinalo ni Charo ang dapat sana’y sagot ni Piolo.
“Oo, meron. Meron ‘yan na ano... Meron ‘yan na dinadaanan na mga panahon na nagrerebelde,” pagbubunyag ng dating CEO ng ABS-CBN.
Nagpaliwanag din ang aktor, “Siya kasi kausap ko noon, e. But Tita Charo would always put some sense to me. I guess because nakaka-relate siya sa akin. It was easier for me to vent.
“It was easier for me to share whatever I was feeling, because alam ko na naiintindihan niya ako.
Nangyari raw ang pagrerebelde ni Piolo noong mga panahong wala siyang tigil sa pagtatrabaho. Big star at in demand si Piolo nang mga panahong kahit na kung tutuusi’y bago lamang siya sa showbiz.
“I was really busy. I was a work whore, so I would work more than seven days a week, literally. But Tita Charo would always make me realize na, ‘Hindi ito forever. Hindi ito habambuhay, so make the most out of it.’
“And I remember one time I told her, ‘Tita, hanggang kelan ba ito?’ Sabi niya, ‘Nasa sa iyo iyan.’”
Ayon kay Piolo, malamang ay wala siyang magandang career ngayon kung hindi dahil kay Charo.
“If not for Tita Charo, siguro hindi ako nagbida sa mga soap. Hindi ako nagbida sa mga pelikula.
“Trivia po, si Tita Charo po ang naglaban sa akin pag may ibang artista na gusto nila. Sabi ni Tita Charo, ‘Si Piolo, si Piolo iyan.’ Totoo po ‘yun.”
Katwiran naman ni Charo, ginagawa niya ito kapag alam niyang babagay kay Piolo ang isang upcoming project.
“Pero hindi, biased po talaga si Tita Charo, dahil paborito niya ako,” sey ni Piolo.
Natawa si Charo at sinabing, “fan ako, fan!”
Pinasalamatan ni Piolo si Charo na hinimok siyang mag-venture sa pagpo-produce ng mga pelikula.Isa siya sa founders at managers ng independent film production company na Spring Films.
Kabilang sa mga pelikula ng film outfit ay ang Kimmy Dora movie series (2009, 2012, 2013), Northern Lights: A Journey to Love (2017), ang blockbuster movie na Kita Kita (2017), at Meet Me in St. Gallen (2018).
Pinasalamatan din ni Charo ang aktor.
“Thank you for the love. ‘Yan lang naman ang konting maibibigay ko sa lahat ng hard work, dedication, at commitment na ibinigay mo.”
At ang paalala ni Charo kay Piolo. “Continue doing what you’re doing. I hope that you trailblaze, give stories that will make a difference in the lives of the audience.”
-ADOR V. SALUTA