Pinalagan ni Senador Win Gatchalian ang pagtatanggal ng pondo para sa medical benefits ng mga guro sa national budget ng bansa sa susunod na taon.
Nakatakdang talakayin ng Senado ang panukalang budget na P4.506 trilyon para sa 2021 sa muling pagbubukas ng sesyon ngayong buwan.
Bagamat taun-taon ay naglalaan ng pondo para sa medical allowance ng mga guro, isiniwalat ni Education Undersecretary Annalyn Sevilla na hindi na ito pinondohan ng Department of Budget and Management (DBM) para sa susunod na taon. Ngayong taon, may P400 milyong pondong nakalaan para sa kanilang taunang check-up o P500 piso kada guro.
-Leonel Abasola