Matigas ang pananaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabawasan ang korapsyon sa gobyerno.

Sa kanyang public address nitong Huwebes ng gabi, pinayuhan ng pangulo ang Task Force na tumututok sa kampanya ng administrasyon kontra sa korapsyon sa pamahalaan.

Iniutos din ng pangulo na agad na pag-aralan at aksyunan ang mga kasong ipinararating sa kanilang tanggapan.0

Mahigpit ang bilin ni Duterte sa task force na huwag hayaang magkaroon ng delay sa paper works.

Eleksyon

Makabayan senatorial bets, winelcome ni Ex-VP Leni sa Naga

Paglilinaw ni Duterte, hangad niyang linisin ang pamahalaan sa korapsyon, kung hindi man aniya ito ganap na maisakatuparan, kahit man lang mabawasan ang mga corrupt sa gobyerno.

Muling pinangalanan ang mga opisyal at kawani ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan na sinuspinde at sinibak na ng Ombudsman sa puwesto dahil sa katiwalian.

-BETH CAMIA