Naglunsad ang Kamara sa pangunguna ni Speaker Lord Allan Velasco ng isang fundraising campaign upang matulungan ang mga biktima at komunidad na apektado ng dalawang malalakas na bagyo sa Pilipinas, ang Typhoon ‘Quinta’ at Typhoon ‘Rolly’.

Ayon kay Velasco, ang donasyon ay kusa.

Umaapela siya sa mga kongresista na magbigay ng kontribusyon ng kahit anong halaga sa pondo na gagamitin sa “rescue, recovery and rehabilitation efforts sa mga lugar na hinagupit ng dalawang bagyo.”

Ilang kongresista na ang nagkaloob ng unang kontribusyon na isang buwang suweldo nila ngayong Nobyembre.

National

China, walang natanggap na asylum application sa kampo ni FPRRD

“The devastation caused by the two successive typhoons demands that each of us must help in every way we can to provide some relief and comfort to our countrymen who continue to endure these sufferings as the nation battles with COVID-19,” sabi pa ng kongresista.

-Bert de Guzman