SUNUD-SUNODang female celebrity na nanganganak at ang sunod at magkasunod na manganganak ay ang magkaibigang Kapuso singers na sina Aicelle Santos at Maricris Garcia. Ang nakatutuwa pa, parehong babae ang isisilang nina Aicelle at Maricris.
Sa ginanap na gender reveal party, ipinaalam nina Aicelle at Mark Zambrano na babae ang kanilang magiging anak. “It’s a girl” ang masayang caption ni Aicelle sa Instagram post niya kasama ang asawang si Mark.
Sa hiwalay na post ni Mark, ibinahagi nito na excited na silang makilala ang kanilang baby girl, “BABYZ IS A GIRL!!! Mommy and daddy can’t wait to see you my little princess! We promise to make you see as much of this beautiful world as we can. Our lives will be full of love, laughter, sports, musicm and no boys!!! We love you, anak!”
Nag-post din si Aicelle ng ilang maternity pictures niya na pinusuan ng kanyang celebrity friends at fans. Sabi ng Centerstage judge, “Oh the joy of carrying you inside me, anak! #8mos.”
Kung eight months na ang ipinagbubuntis ni Aicelle, ibig sabihin, sa December niya isisilang ang first baby nila ni Mark. Masaya ito, December baby si Baby Z!
Nitz Miralles