Umalma si G Tongi sa pahayag ni Arnell Ignacio na karamihan sa mga artista ay mahina ang ulo.
Sabi kasi ni Arnell, “Noon ang artista kadalasan ang tingin e mahina ang ulo... na stereotyped kung baga. Nakakasama ng loob noon... pero ngayon ang hirap na ipagtanggol. Ang daming pruweba eh. me yabang pa nga sa katangahan e.”
Kahit walang binanggit na pangalan, inisip ng mga nakabasa ng pahayag ni Arnell na si Angelica Panganiban ang kanyang pinaringgan at nag-ugat ito sa tweet ng aktres na nagtatanong kung ano ang plano ng gobyerno sa mga apektado ng bagyong Rolly.
Tweet ni Angelica: “Tulog na lang? Kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at mga Pilipino.”
Sagot naman ni Gkay Arnell: “Arnel- dahan dahan lang sa pag-atake ng mga kasamahan sa industriya na ginagamit lang naman ang kanilang boses na karapatan nila... Sa kaalaman ko, ang may mahinang ulo ay yung ‘di tumutubong buhok mo, kaya tuloy naka-plug ins ka,” with laughing at peace emojis.
Hintayin natin ang sagot ni Arnell kay G!
-Nitz Miralles