Magkahiwalay na bumisita sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice Pres. Leni Robredo sa mga lugar na pininsala ng super typhoon “Rolly.

Binisita ni Robredo nitong Lunes ang Bicol region na napuruhan ni “Rolly.”

“Left Manila before dawn today. Just arrived CamSur and these were the first signs of devastation we saw,” pahayag ni Robredo sa kanyang Twitter post. Siya ay taga- Naga City.

Ayon kay Robredo, dating Kinatawan ng ika-3 distrito ng Camarines Sur, mag-iikot din siya sa Albay at Catanduanes.

National

Honeylet naiyak sa ginawa kay FPRRD: 'Kinidnap n'yo siya, wala kaming laban!'

Binisita niya ang Sabang National High School, isang evacuation center sa Calabanga, Camarines Sur.

Samantala, nanlumo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nakitang mga bahay sa Ginobatan, Albay at sa paligid ng Mayon Volcano na lumubog at winasak ng rumagasang lahar ay agad niyang pinaimbestigahan sa DENR ang mga iligal quarying sa lugar.

Batay sa huling tala, ang bilang ng mga namatay sa bagyong ‘Rolly’ ay umakyat na sa 24 sa apat na nadagdag mula sa Bicol region at dalawa pa sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon), sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes.

Bert de Guzman at Jun Fabon