MAGKASAMA sina Bianca Umali at Jeric Gonzales na nag-guest sa GMA Artist Center online show na Quiz Beh, at doon sinamantala nilang magpaabot ng pasasalamat sa kani-kanilang fans.

“Sa lahat po ng mga taong sumusuporta at nagmamahal sa akin, maraming-maraming salamat,” wika ni Bianca. “Mahal na mahal ko kayo. Lagi kong sinasabi na kung hindi po dahil sa inyo, ay wala po ako sa kinaroroonan ko ngayon. Kayo ang inspirasyon ko and everything I do is to make you happy. Maraming salamat po.”

Pinasalamatan naman ni Jeric ang mga sumusuporta na sa kanya simula pa noong sumali siya sa Protege.

“Ilan po sa kanila, naging mga kaibigan ko na sila,” kuwento naman ni Jeric. “Ang iba po ay hindi lamang naging fans at supporters ko, naging close agad ako sa kanila. Kaya sana, kung saan man ako makarating, nandiyan pa rin kayo para sa akin. Mahal ko kayo.”

Tsika at Intriga

Elijah Canlas, Miles Ocampo plano nang magpakasal?

Sa ngayon ay parehong naghahanda na sina Bianca at Jeric ng kanilang lock-in taping. Si Bianca, para sa kanyang first adult drama series, ang Legal Wives with Dennis Trillo at si Jeric, sa pagpapatuloy ng taping niya ng GMA Afternoon Prime na Magkaagaw with Sheryl Cruz, Sunshine Dizon and Klea Pineda.

-Nora V. Calderon