PUMANAW nitong Sabado ang sikat na original on-screen James Bond, si Sean Connery, sa edad na 90, kung saan bumuhos ang tribute para sa Britain’s best-loved film heroes.

sean connery

Kinumpirma ng anak ni Sean, si Jason Connery sa BBC na mapayapang pumanaw ang kanyang ama habang natutulog sa tahanan nito sa Nassau, Bahamas, “[having been] unwell for some time.”

“We are all working at understanding this huge event as it only happened so recently,” dagdag pa ito, na inilarawan ang pagpanaw ng ama bilang “a sad loss for all people around the world who enjoyed the wonderful gift he had as an actor.”

Relasyon at Hiwalayan

Aubrey Miles, Troy Montero ratrat magtalik 'pag nagta-travel

Bibigyang-pugay si Sean sa isang pribadong funeral ceremony, kasunod ng isang memorial event, ayon sa isang publicist nito.

Hindi mabilang ang naging awards ni Sir Sean sa kanyang dekadang karera, na kinapapalooban ng mga big-screen hits, kabilang ang Oscar, tatlong Golden Globes at dalawang Bafta awards.

Gayunman, ang kanyang Scottish-accented portrayal bilang suave licensed-to-kill spy 007 ang nagbigay sa kanya ng panghabambuhay na kasikatan.

Bilang unang aktor na bumida, sa karakter na “Bond, James Bond”, nakagawa si Sean ng anim na official film mula sa likha ni Ian Fleming, na itinuturing ng marami na “definitive portrayal.”

“He was and shall always be remembered as the original James Bond,” pahayag nina movie franchise producers Michael G. Wilson at Barbara Broccoli.

“He revolutionised the world with his gritty and witty portrayal of the sexy and charismatic secret agent.”

Dagdag pa ng dalawa, “[Connery was] undoubtedly largely responsible for the success of the film series and we shall be forever grateful to him.”

‘LEGEND ON SCREEN’

Sa ilang okasyon ang Scottish actor ang nangungunang best actor na naging James Bond mula mismo sa mga fans, na tumalo sa kasalukuyang 007 Daniel Craig at Roger Moore.

“It is with such sadness that I heard of the passing of one of the true greats of cinema,” tweet ni Daniel Craig, na inilarawan si Sean bilang “defined an era and a style.”

“The wit and charm he portrayed on screen could be measured in mega watts; he helped create the modern blockbuster,” aniya.

Puno rin ng papuri si George Lazenby, na bumida sa isang Bond film, para kay Sean na inilarawan niyang “encapsulated an age, the Sixties” at “a great actor, a great man”.