Dalawang bagyo na ang nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) kasunod nang pagpasok ng bagyong ‘Siony’ na may international name na ‘Atsani’ kahapon ng umaga.

NGITNGIT NG KALIKASAN Nilalamon ng bahang umapaw sa ilog ang kabahayan sa Legazpi City sa Albay, bunsod nang paghagupit ng super typhoon ‘Rolly’ kahapon. (AFP)

NGITNGIT NG KALIKASAN Nilalamon ng bahang umapaw sa ilog ang kabahayan sa Legazpi City sa Albay, bunsod nang paghagupit ng super typhoon ‘Rolly’ kahapon. (AFP)

Ito ang kinumpirma ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather specialist Chris Perez at sinabing ang naturang sama ng panahon ay pumasok sa Pilipinas, dakong 8:00 ng umaga.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,365 kilometro Silangan ng Central Luzon.

Kitty Duterte sa kaarawan ni FPRRD: 'His love goes beyond his commitment'

Bahagya itong lumakas bago pumasok sa Pilipinas at taglay na nito ang malakas na hanging 75 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugsong hanggang 90 kph.

Gayunman, sinabi ni Perez na malabong makaapekto ito sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw. Gayunman, inabisuhan ang publiko na subaybayan pa rin ang sitwasyon ng naturang bagyo.

Sa huling pagtaya, sinabi ni Perez na kikilos ang bagyo pa-Hilagang Kanluran hanggang ngayong Lunes ng gabi at babagal habang tinatahak ang kanluran-timog Kanluran bukas.

Kung hindi magbabago ng direksyon, mamataan ang bagyo sa layong 895 kik,ometro Silangan ng Aparri, Cagayan ngayong araw at bukas ng umaga ay inaasahang makikita ito sa layong 785 kilometro Silangan-Timog Silangan ng Basco, Batanes.

Sa Miyerkules ng umaga, inaasahang ito ay nasa layong

780 kilometro Silangan ng Calayan, Cagayan; Sa Huwebes ng umaga, ito ay tinatayang nasa 530 kilometro Silangan ng Aparri at sa Biyernes ng umaga, inaasahang ito ay nasa 40 kilometro Timog Kanluran ng Calayan, Cagayan.

Matapos humagupit ang super typhoon ‘Rolly’ sa Catanduanes at Albay ay humina na ito at naging typhoon na lamang.

Gayunman, inihayag ng PAGASA na isa pa rin itong banta habang kumikilos patungong Siuthern Luzon-Metro Manila areas kahapon ng hapon.

Huli itong namataan sa karagatan ng Pasacao, Camarines Sur o nasa layong 30 kilometro sa Kanluran-Timog Kanluran ng Pili, Camarines Sur.

Dakong 4:50 ng madaling araw nang humagupit ito sa Bato, Catanduanes at ang ikalawa ay tumama sa Tiwi, Albay, dakong 7:20 ng umaga.

Sinabi ng PAGASA na sa kabila ng bahagyang paghina nito, taglay pa rin ng bagyo ang hanging 215 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugsong hanggang 295 kilometro kada oras.

Kahapon, kumikilos ang bagyo pa-Kanluran sa bilis na

25 kilometro kada oras.

Isinailalim din kahapon sa Signal No. 4 ang Metro Manila, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, northern portion ng Sorsogon (Donsol, Pilar, Castilla, Sorsogon City, Prieto Diaz, Gubat, Barcelona, Juban, Casiguran, Magallanes), Burias Island, Marinduque, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, kabilang ang Polillo Islands, Pampanga, Bulacan, southern portion ng Aurora (Dingalan), Bataan, southern portion ng Zambales (San Marcelino, San Felipe, San Narciso, San Antonio, Castillejos, Subic, Olongapo City, Botolan, Cabangan), northwestern portion ng Occidental Mindoro(Mamburao, Paluan), kabilang ang Lubang Island, at northern portion ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Baco, Calapan City, Naujan, Pola, Victoria, Socorro, Pinamalayan).

Nasa Signal No. 3 naman ang natitirang bahagi ng Sorsogon, northern portion ng Masbate (Mobo, Masbate City, Milagros, Uson, Baleno, Aroroy, Mandaon), kabilang ang Ticao Island, natitirang bahagi ng Zambales, Romblon, natitirang parte

ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Tarlac, southern portion ng Nueva Ecija (Cuyapo, Talugtug, Muñoz City, Llanera, Rizal, Bongabon, Gabaldon, General Tinio, Laur, Palayan City, General Mamerto Natividad, Cabanatuan City, Santa Rosa, Peñaranda, Gapan City, San Isidro, Cabiao, San Antonio, Jaen, San Leonardo, Zaragoza, Aliaga, Talavera, Santo Domingo, Quezon, Licab, Guimba, Nampicuan), central portion ng Aurora (San Luis, Baler, Maria Aurora), at Northern Samar.

Itinaas naman sa Signal No. 2 ang natitirang parte ng Aurora, Nueva Vizcaya, Quirino, Benguet, La Union, Pangasinan, ilang bahagi ng Nueva Ecija, Masbate, northern portion ng Samar (Catbalogan City, Jiabong, Motiong, Paranas, Hinabangan, San Sebastian, Tarangnan, Pagsanghan, San Jorge, San Jose de Buan, Matuguinao, Gandara, Santa Margarita, Calbayog City, Santo Nino, Almagro, Tagapul-An), northern portion ng Eastern Samar (San Julian, Sulat, Taft, Can-Avid, Dolores, Maslog, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad), extreme northern portion ng Antique (Pandan, Libertad, Caluya), at northwestern portion ng Aklan (Buruanga, Malay, Nabas, Ibajay).

At nasa Signal No. 1 naman ang mainland Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Abra, Ilocos Norte, Ilocos Sur, northern portion ng Palawan (El Nido, Taytay, Dumaran, Araceli), kabilang ang Calamian and Cuyo Islands, northern portion ng Antique (Sebaste, Culasi, Tibiao, Barbaza, Laua-An), natitirang parte ng Aklan, Capiz, northern portion ng Iloilo (Lemery, Sara, Concepcion, San Dionisio, Batad, Estancia, Balasan, Carles), northern portion ng Cebu (San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan), kabilang ang Bantayan Islands, Biliran, Samar, Eastern Samar, at northern portion ng Leyte (San Isidro, Tabango, Villaba, Matag-Ob, Palompon, Ormoc City, Pastrana, Palo, Calubian, Leyte, Kananga, Capoocan, Carigara, Jaro, Tunga, Barugo, Alangalang, Santa Fe, Tacloban City, Babatngon, San Miguel).

Sa pagtaya ng PAGASA kahapon, tatahakin ng bagyo ang Marinduque-Southern Quezon area bago tatawid sa Batangas- Cavite area kinagabihan.

Pagsapit ng 8:00 ng gabi, ang bagyo ay tinatayang nasa 70 kilometro Timog ng Metro Manila.

-ELLALYN DE VERA-RUIZ at JUN FABON