Nasabat ng mga awtoridad ang 215 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P1,462,000 sa apat na drug suspect sa isang buy-bust operation sa Makati City, nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Major General Debold Sinas ang mga suspek na sina Mc Gregor Tibayan, alyas Mac, 33; Edgar Evangelista, 34; Allan Sagario, 40; at Dario Hallera, 38, taga-Bgy. Rizal, Makati City.

Sa ulat ng NCRPO Public Information Office, nagkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Eastern Police District, Marikina City Police Station laban kay Tibayan sa Bgy. Rizal, dakong 10:40 ng umaga.

Sa nasabing operasyon, nadakip si Tibayan at dalawa pang suspek.

National

Rep. Edgar Erice, tiwalang malakas na pantapat si Mayor Leni vs VP Sara!

Nag-ugat ang operasyon matapos ang tactical interrogation sa isang naarestong drug suspect sa Golden Valley,Bgy. Malanday, Marikina City nitong Miyerkules.

Nasamsam sa mga ito ang nasabing halaga ng droga at marked money.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-Bella Gamotea