Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd ) na paigtingin ang pagrepaso sa kalidad ng learning materials na ginagamit para sa distance learning sa gitna ng nadiuskubreng mga pagkakamali sa reading materials.

Mula Oktubre 12-20, may 41 mga pagkakamaling naiulat sa proyektong Error Watch ng DepEd. Ang 27 rito ay local modules na ayon sa kagawaran ay hindi nito nasuri.

Sinabi ng DepEd, na naiwasto na ang ilan sa mga pagkakamaling ito at nakikipag-ugnayan na rin sila volunteers at mga katuwang sa sektor ng akademya upang matiyak ang kawastuhan ng mga aralin.

“Kailangang siguruhin din natin na tama ang mga araling itinuturo natin sa ating mga kabataan. Sa pagsuri natin sa bawat aralin, ang kaalaman ng mahigit 22 milyong mag-aaral ang nakasalalay,” ani Gatchalian.

National

Liderato ng Kamara, posible pa ring pamunuan ni Romualdez—Solon

-Leonel Abasola