Isumite na kahapon (Oktubre 27) ng Kamara sa Senado ang pinagtibay na P4.5 trilyong national budget para sa 2021.

Sinabi ni Speaker Lord Allan Velasco na layunin ng record-high budget na mapalakas ang pagtugon ng gobyerno laban sa COVID-19 pandemic at muling mapasigla ang ekonomiya ng bansa.

“Not only did we pass the proposed 2021 national budget in a timely, constitutional and legal manner, we also made sure next year’s spending plan will be more reflective and responsive to the needs of the people amid the worst public health crisis in a generation,” ani Velasco.

Aniya, nilakihan ng Kapulungan ang alokasyon sa pagbili ng COVID-19 vaccines upang masaklaw ang higit na malaking bilang ng mga Pilipino, at pondo para sa pagtatayo ng mga pasilidad ng Department of Health (DOH) para mapabuti ang health care system ng bansa.

Lalaking ipinagpalit daw sa pangit, nanaksak ng hindi kilala!

-Bert de Guzman