Inaasahang magiging bagyo ang low pressure area (LPA) na huling namataan sa Philippine Sea, ngayong araw.

Sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang LPA sa layong 955 kilometro sa Silangan ng Mindanao.

Kapag nakapasok ang nasasbing LPA sa Philippine area of responsibility (PAR), tatawagin itong bagyong ‘Quinta’ na inaasahang pupuntirya sa Bicol region at Eastern Visayas, ayon pa sa PAGASA.

-Jun Fabon
National

Akbayan Party-list, nagpahayag ng suporta sa impeachment laban kay VP Sara